So I quit my job. I decided to stop joining exhibits but I can still continue merchandising our products to people who might be interested. Thank God, I got hired in Security Bank. Didn't expect I'll be hired, but through prayers, I made it.
So, new journey to take on Wednesday. Good luck to me...
Sunday, November 28, 2010
Spectacle of Lights and Music
Just want to share some of the photos I took last Friday at Ayala Triangle. It's really Christmas.
Enjoy...
Enjoy...
Wednesday, November 24, 2010
KFC Double Down Sandwich
I just tried the Double Down Sandwich today. Tastes just fine. Kapag inulit-ulit, nakakaumay siguro kasi masyadong oily yung chicken, plus may bacon pa. Medyo bitin kasi hindi naman ganun kalakihan. Mahal, kasi P100 na. Sa una, hindi nakakahiyang, pero baka next time, I won't buy it anymore. I 'll just buy chicken with rice na lang siguro para mas sulit at para mabusog.
Reminder: Don't eat it ng mainit na mainit pa kasi you won't enjoy it.
Thursday, November 18, 2010
Pilipinas, Kay Ganda
You might have seen this in the news. What's wrong with Pilipinas, Kay Ganda?
I actually like it. I don't think na wala itong dating like what others are saying. Kung ako ang taga-ibang bansa na makakarinig nito, I'll be intrigued. Ano bang ibig sabihin ng Kay Ganda? But I don't need to worry. May translation naman. Kung napa Wow tayo sa Philippines dati, now, we can really say na Kay Ganda talaga ng Pilipinas. Why don't we add 'nga'? Pilipinas, Kay Ganda Nga. Mas mukha bang may dating? Hehehe.
Foreigners who will come here will not just appreciate the beauty of our country but they will also learn our language, aside from the most common na 'Mahal Ko Kayo.' Isn't it nice? Instead of saying "Mahal Ko Kayo', Pilipinas, Kay Ganda na lang ang maririnig natin. Prinopromote pa nila ang bansa natin. Amazing!!!
I actually like it. I don't think na wala itong dating like what others are saying. Kung ako ang taga-ibang bansa na makakarinig nito, I'll be intrigued. Ano bang ibig sabihin ng Kay Ganda? But I don't need to worry. May translation naman. Kung napa Wow tayo sa Philippines dati, now, we can really say na Kay Ganda talaga ng Pilipinas. Why don't we add 'nga'? Pilipinas, Kay Ganda Nga. Mas mukha bang may dating? Hehehe.
Foreigners who will come here will not just appreciate the beauty of our country but they will also learn our language, aside from the most common na 'Mahal Ko Kayo.' Isn't it nice? Instead of saying "Mahal Ko Kayo', Pilipinas, Kay Ganda na lang ang maririnig natin. Prinopromote pa nila ang bansa natin. Amazing!!!
KFC Double Down Sandwich
It's really here. The New KFC Double Down Sandwich. Looks yummy and delicious. Have you tried this already?
I haven't tried it yet, but I will...
Friday, November 12, 2010
Thursday, November 11, 2010
Ang Pera na Hindi Bitin
I came across this book sa Philippine Christian Bookstore yesterday at SM Lipa. I was bored, so I decided na mag-ikot ikot muna sa mall. Tiyempo namang napadaan ako sa bookstore na ito. Wala naman sa plano ko na bumili ng libro since wala pang benta, magbrowse-browse lang, yun lang ang dapat kung gagawin. Pero nung makita ko ang librong ito, I was intrigued. Parang tugmang-tugma sa akin. Dati ko pa kasing pangarap na mag-ipon ng pera, kahit nung medyo sagana pa sa pera dahil malakas ang benta, pero ewan ko, kapag andyan na ang pera, hindi ko magawang maipon. Wala naman akong nabibiling mamahaling bagay, malakas lang siguro akong kumain. So I read the first few pages muna at sakto, nahook agad ako, parang isda na nahook sa bulateng nakapain sa kawil. Swerte namang napakamura ng librong ito, so kahit wala sa budget, binili ko na, singkuwenta pesos lang naman ang halaga, hindi naman ganun kamahalan.
Right after I bought it, ayun na, tuloy-tuloy na, wala ng katapusan sa pagbabasa. Bagamat hindi ko kilala ang sumulat, nakakatuwa na napakasimple ng mga techniques na shinare nya para makatulong sa mga taong kagaya ko na nais mag-ipon, na minsan kinakakapos o minsan ok lang. It took me more than an hour to finish the book, hindi naman siya ganun kakapal at medyo malalaki rin ang text kaya mabilis ko siyang natapos. At higit sa lahat mabilis maintindihan kasi tag-lish, tagalog-english (hehehe). Maganda rin kasi may illustration, so kung gusto mong tumawa, pwede mong pagmasdan muna sandali ang ibang illustration na nasa libro.
Simple techniques lang ang shinare na author pero makabuluhan. Though yung ibang mga techniques eh nabasa ko na sa ibang libro, maganda na narefresh ang aking memorya sa mga dapat kung gawin para maging successful sa pag-iipon. The author shared seven strategies on how to best manage your money. Sa una, medyo hindi ako sumasang-ayon sa ibang mga shinare nya, parang ang hirap gawin, lalo na kung lagi kang kapos, (lagi ba akong kapos, puro kasi kain) pero kung seryoso ka talaga na magtagumpay, marerealize mo na tama nga naman siya at narealize ko naman yun.
The good thing about this book is parang nangungusap lang sakin ng harap-harapan ang may akda. Mabilis akong nakarelate sa mga sinabi nya at mabilis ko naman naintindihan ang konteksto na nais niyang ipahiwatig. Seven simple techniques na hopefully, maiapply ko sa buhay ko para naman maging successful din ako. Mayaman, mahirap, o kahit sobrang yaman mo, this book is a good read, hindi naman kasi porke't mayaman ka na, habang-buhay ka nang magiging mayaman. Maaari rin na maghirap ka, pero sana naman eh huwag mangyari. Hindi lang sa pagmamanage ng pera ka may matutunan, somehow, you'll relationship with God will improve also kasi may mga konteksto rin na hango sa bibliya na nais iparating ang may akda. Tama nga naman na lahat ng bagay sa mundo, may purpose si God kung bakit natin nararanasan ito. Pwedeng broke tayo ngayon, pero hindi naman habang-buhay, hahayaan tayo ni God na maging ganito. Basta matututo tayo kung paano natin imamanage ang kahit na napakaliit na bagay na pinagkakaloob ni God sa atin, sooner or later, magbabago ang lahat. We will soon thank God kung bakit niya hinayaan na mangyari sa atin ang mga bagay na ito. Naks, ang drama.
After reading this book, medyo, napaisip ako, tama nga naman ang may-akda. Nawa'y maiapply ko sa buhay ang mga naibahagi niya sa akin.
If you want to read this book, available siya sa Philippines Christian Bookstore. Meron naman siguro dyan sa Manila. Huwag na kayong pumunta sa Lipa, nagkataon lang na nandito ako sa Lipa kaya dito ko siya nabili. Murang-mura lang. Dalawang McSavers lang sa McDO, isang Jolly Spaghetti na may regular Coke sa Jollibee, kalahati ng PM2 sa Mang Inasal, (nga pala, binili na ng Jollibee ang Mang Inasal, kaya Jollibee na ang may ari ng Mang Inasal, kasama na ang Greenwich, Chowking at Red Ribbon) hmmm... Basta, singkwenta pesos lang naman. Pero kung mahal para sa inyo ang singkwenta pesos, pwede nyo itong hiramin sa akin, o kung gusto niyong bilhin, mas mabuti, bigyan pa kita ng diskwento, limited offer lang ito. Kwarenta'y otso na lang kung bibilhin nyo sa akin. (hehehe) Sabihan nyo lang ako. :)
Tuesday, November 9, 2010
The Lost Symbol
I've been dying to read this book. It's Php 250 now, paperback lang yun. Why I am not buying it yet? Tsk tsk tsk...
Subscribe to:
Posts (Atom)






