Thursday, November 11, 2010

Ang Pera na Hindi Bitin


I came across this book sa Philippine Christian Bookstore yesterday at SM Lipa. I was bored, so I decided na mag-ikot ikot muna sa mall. Tiyempo namang napadaan ako sa bookstore na ito. Wala naman sa plano ko na bumili ng libro since wala pang benta, magbrowse-browse lang, yun lang ang dapat kung gagawin. Pero nung makita ko ang librong ito, I was intrigued. Parang tugmang-tugma sa akin. Dati ko pa kasing pangarap na mag-ipon ng pera, kahit nung medyo sagana pa sa pera dahil malakas ang benta, pero ewan ko, kapag andyan na ang pera, hindi ko magawang maipon. Wala naman akong nabibiling mamahaling bagay, malakas lang siguro akong kumain. So I read the first few pages muna at sakto, nahook agad ako, parang isda na nahook sa bulateng nakapain sa kawil. Swerte namang napakamura ng librong ito, so kahit wala sa budget, binili ko na, singkuwenta pesos lang naman ang halaga, hindi naman ganun kamahalan.

Right after I bought it, ayun na, tuloy-tuloy na, wala ng katapusan sa pagbabasa. Bagamat hindi ko kilala ang sumulat, nakakatuwa na napakasimple ng mga techniques na shinare nya para makatulong sa mga taong kagaya ko na nais mag-ipon, na minsan kinakakapos o minsan ok lang. It took me more than an hour to finish the book, hindi naman siya ganun kakapal at medyo malalaki rin ang text kaya mabilis ko siyang natapos. At higit sa lahat mabilis maintindihan kasi tag-lish, tagalog-english (hehehe). Maganda rin kasi may illustration, so kung gusto mong tumawa, pwede mong pagmasdan muna sandali ang ibang illustration na nasa libro.

Simple techniques lang ang shinare na author pero makabuluhan. Though yung ibang mga techniques eh nabasa ko na sa ibang libro, maganda na narefresh ang aking memorya sa mga dapat kung gawin para maging successful sa pag-iipon. The author shared seven strategies on how to best manage your money. Sa una, medyo hindi ako sumasang-ayon sa ibang mga shinare nya, parang ang hirap gawin, lalo na kung lagi kang kapos, (lagi ba akong kapos, puro kasi kain) pero kung seryoso ka talaga na magtagumpay, marerealize mo na tama nga naman siya at narealize ko naman yun.

The good thing about this book is parang nangungusap lang sakin ng harap-harapan ang may akda. Mabilis akong nakarelate sa mga sinabi nya at mabilis ko naman naintindihan ang konteksto na nais niyang ipahiwatig. Seven simple techniques na hopefully, maiapply ko sa buhay ko para naman maging successful din ako. Mayaman, mahirap, o kahit sobrang yaman mo, this book is a good read, hindi naman kasi porke't mayaman ka na, habang-buhay ka nang magiging mayaman. Maaari rin na maghirap ka, pero sana naman eh huwag mangyari. Hindi lang sa pagmamanage ng pera ka may matutunan, somehow, you'll relationship with God will improve also kasi may mga konteksto rin na hango sa bibliya na nais iparating ang may akda. Tama nga naman na lahat ng bagay sa mundo, may purpose si God kung bakit natin nararanasan ito. Pwedeng broke tayo ngayon, pero hindi naman habang-buhay, hahayaan tayo ni God na maging ganito. Basta matututo tayo kung paano natin imamanage ang kahit na napakaliit na bagay na pinagkakaloob ni God sa atin, sooner or later, magbabago ang lahat. We will soon thank God kung bakit niya hinayaan na mangyari sa atin ang mga bagay na ito. Naks, ang drama.

After reading this book, medyo, napaisip ako, tama nga naman ang may-akda. Nawa'y maiapply ko sa buhay ang mga naibahagi niya sa akin.

If you want to read this book, available siya sa Philippines Christian Bookstore. Meron naman siguro dyan sa Manila. Huwag na kayong pumunta sa Lipa, nagkataon lang na nandito ako sa Lipa kaya dito ko siya nabili. Murang-mura lang. Dalawang McSavers lang sa McDO, isang Jolly Spaghetti na may regular Coke sa Jollibee, kalahati ng PM2 sa Mang Inasal, (nga pala, binili na ng Jollibee ang Mang Inasal, kaya Jollibee na ang may ari ng Mang Inasal, kasama na ang Greenwich, Chowking at Red Ribbon) hmmm... Basta, singkwenta pesos lang naman. Pero kung mahal para sa inyo ang singkwenta pesos, pwede nyo itong hiramin sa akin, o kung gusto niyong bilhin, mas mabuti, bigyan pa kita ng diskwento, limited offer lang ito. Kwarenta'y otso na lang kung bibilhin nyo sa akin. (hehehe) Sabihan nyo lang ako. :)

No comments: