Lahat ng tao, pinag-uusapan si Manny Pacquiao ngayon matapos talunin si Oscar dela Hoya sa kanilang laban nung Linggo (phil. time) sa Las Vegas. Sa totoo lang, inaasahan ko na magwawagi si dela Hoya, hindi dahil hindi ako bilib kay Manny Pacquiao kundi dahil mas nakita ko na mas lyamado si dela Hoya.
Napanood ko rin ang laban at sa labang ito, ibang iba ang Oscar dela Hoya na napanood ko, ibang iba sa dela Hoya na pinakita sa dokumentaryo na pinalabas kinagabihan sa GMA7 bago ang laban nung linggo. Ni hindi man lamang nakikipagpalitan ng mga suntok si Oscar dela Hoya. Tinatanggap lamang nya ang mga suntok na binabato ni Pacquiao, kahit may mga pagkakataon na makabawi sya, hindi pa rin sya lumalaban. Ibang iba sya sa mga sinabi sya sa dokumentaryo na pinalabas nung Sabado ng gabi.
Sa dokumentaryo, pinakita ni dela Hoya kung gaano sya kahanda sa darating na laban, kung gaano sya nagsusumikap para talunin si Pacquiao. Bukod kay Nacho Beristain, hiningi nya rin ang tulong ni Angelo Dundee para mas masigurado ang panalo nya kay Manny Pacquiao. Syempre, pinakita rin dito ang pagsusumikap din ni Manny Pacquaio.
Sa naganap na laban nung Linggo, nakakagulat na ang dating gold medalist sa Barcelona Olympics ay wala man lang nagawa para makapuntos kay Manny Pacquiao, kagaya ng nabanggit, hindi man lamang sya nakikipagpalitan ng suntok kahit may mga pagkakataon na gawin nya ito. Sa lahat ng rounds, dominado ni Pacquiao ang laban. Maging sa panig ng coaches ni dela Hoya, wala rin silang nagawa para makabawi si dela Hoya.
Naniniwala ako sa kakayanan ni Manny Pacquiao, ngunit hindi kapani-paniwala ang kakayahan na ipinakita ni Oscar dela Hoya. Pareho silang mahusay na boksingero ngunit sa laban na ito, nasaan ang husay at galing ni dela Hoya. Bakit tila naiba ang sitwasyon sa mga pahayag na binitiwan nya sa dokumentaryo?
Hindi tuloy maiiwasan na kumalat ang mga balita na binenta ni dela Hoya ang laban kay Manny Pacquiao. Maaaring posible, maaaring hindi. Ngunit kung titingnan ang naganapna sagupaan, sa aking palagay ay posible. Sa ibang mga nakasagupa ni Manny Pacquiao, kahit parehong hirap, makikita ang pagpapalitan ng suntok ng boksingero. Ngunit sa laban na ito, bakit waring si Pacquiao lamang ang sumusuntok samantalang si tinatanggap lamang ito ni dela Hoya.
Gayunman, kung ano pa man iyon, sa laban na ito, pinakita ni Manny Pacquiao ang husay nya sa kanyang larangan. Pinakita nya na mali ang mga sinasabi ng mga tao sa kanya. Pinakita nya ang puso nya pagdating sa larangan ng boksing. Dito, maging ang husay ni Freddie Roach ay nanaig.
Naway sa mga susunod na laban ni Manny Pacquiao, mas mapatunayan pa nya ang kanyang husay at galing at naway sa mga susunod na laban rin ni Oscar dela Hoya, muling magbalik ang kanyang ningning na tila ay naglaho sa pagkakatalo nya sa pambansang kamao.
No comments:
Post a Comment